Posted December 2, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Nakarating umano
sa opisina ni Pangulong Rodrigo Duterte ang planong paghuhukay ng mga Chinese
Vessel sa Aklan River ng probinsya.
Ito’y ayon kay Kalibo
Mayor William Lachica, kung saan ito umanong balak ay inaprobahan ng Department
of Public Works and Highways (DPWH) subalit hindi ipinaabot sa kanyang
tanggapan.
Sinabi pa nito na
maging ang PENRO ay tutol din sa nakatakdang pag-dredge sa ilog.
Nabatid na nitong
nakalipas na linggo ay namataan ang naturang barko sa ilog kung saan agad naman
itong pinuntahan at ininspeksyon ng miyembro ng Kalibo-PNP at Philippine Coast
Guard.
Nabatid na balak
mag-dredge o maghukay ng barko na may pitong metro ang lalim sa Aklan River.
Nakatakda namang
maghain ng resolusyon ang Sangguniang Bayan ng Kalibo upang pigilan ang
naturang proyekto.
No comments:
Post a Comment