Wednesday, November 30, 2016

Menor de edad sa Boracay, nireklamo ng pagnanakaw

Posted November 25, 2016
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for THEFTAyaw pang aminin ng isang menor de edad ang pagnanakaw matapos itong maaktuhan sa Sitio Bolabog, Balabag, Boracay.

Salaysay ng biktimang si Michael Espinosa, 32- anyos, tubong Davao, Oriental, na pansamantalang nanunuluyan sa nasabing lugar, matutulog na umano siya ng sabihan siya ng kaniyang kapit-bahay na nawawala na ang kanyang bisekleta at ang alagang rabbit kung saan ang suspek ang itinuturong kumuha dahil nakita mismo ang pangyayari.

Banggit pa ng kaniyang kapit-bahay, habang pa-palapit umano siya sa kinaroroonan ni Espinosa, nakita niya pa umano ang suspek na tinitingnan ang alaga nitong manok.

Kung kaya’t, tinanong umano niya kung ano ang ginagawa niya doon, kasabay na rin ng pagtatanong kung bakit siya nagnakaw.
Agad naman umano itong kinaila ng suspek at itinuro pa nito ang kanyang mga kaibigan.

Ang insidente ay agad na ireport sa Boracay PNP kung saan ang suspek ay nasa pangangalaga na ngayon ng Women and Children Protection Desk (WCPD).

Sa ngayon patuloy pa ang imbestigasyon ng mga pulis sa nasabing pagnanakaw ng suspek.

No comments:

Post a Comment