Wednesday, November 30, 2016

Boarding House sa Boracay, nilooban

Posted November 25, 2016
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for theft wordsNagreklamo ang isang residente mula sa Sitio Bantud, Brgy. Manoc- Manoc, Boracay kaninang umaga ng kasong pagnanakaw.

Ayon sa biktima, habang nasa kwarto umano siya at ang asawa ng pinsan naman nito ay nasa kusina pa ng nasabing boarding house, ay nakita nito na may kumuha ng dalawang camera na canon na nakalagay sa cabinet.

Tumakbo ang suspek palayo sa nasabing lugar. Hinabol nila ito ngunit hindi na naabutan.

Minabuti itong ireport ng biktima sa mga pulisya para sa rekord nito.

Sa ngayon, patuloy pa ang imbestigasyon ng mga pulisya sa nangyaring nakawan.

No comments:

Post a Comment