Posted December 2, 2016
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay
Pasado ala-una kahapon
ng hapon ng makatanggap ng tawag ang Boracay PNP na meron umanong nalulunod na
turistang Korean national sa Station 1. Brgy. Balabag, Boracay.
Kinilala ang
biktima na si Taejong Jeon, 40- anyos, temporaryong nanunuluyan sa isang hotel
sa nasabing lugar.
Sa imbestigasyon
ng mga pulis, naliligo umano ang biktima ng mapansin ng kinilalang si Jonie
Malacas Tabas, 30-anyos, isang paddle board staff na ito ay hindi na makalangoy
at ikinakampay nalang ang kanyang kamay habang ang floater nito ay malayo na sa
kanya.
Hindi na nag-atubili
pang saklolohan ni Tabas ang nalulunod na biktima kung saan agad namang
ni-rescue ng mga miyembro ng LGU lifeguards.
Nabatid na umabot
ng tatlong minuto bago nakuha ang biktima sa dagat kung saan agad naman nila
itong binigyan ng paunang lunas sa pamamagitan ng CPR.
Dinala pa umano ito
sa isang clinic para i-revive ngunit kalaunan ay idineklara din itong patay ng
doctor na sumuri dito.
Samantala, ang bangkay
ng biktima ay idinala na sa Prado Funeral Homes sa bayan ng Malay.
No comments:
Post a Comment