Monday, November 28, 2016

Mayor Cawaling, nagpatawag ng meeting kaugnay sa problema sa Drainage system sa Boracay

Posted November 28, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Hindi na pinaglagpas pa ni Mayor Ceciron Cawaling ang mga problemang natatanggap ng kaniyang opisina  sa isyu sa drainage system sa isla ng Boracay.

Kaya naman ipinatawag niya kaninang umaga ang Boracay Water Company o (BIWC), Boracay Tubi, Stakeholders, Sanitation Office, SB Malay sa katauhan ni SB Member Nenette Aguirre-Graf bilang Committee Chairman on Environment at Municipal Engineering Office Engr. Elizer Casidsid.

Partikular na ipinunto ni Mayor Cawaling na ang problema umano sa area ng Bolabog kung saan nais niya itong palagyan ng Drainage System upang masolusyunan na ang problema ng mga tao dito.

Aniya, nais niya munang  pag-aralan ang problema sa drainage system kung kaya’t inatasan niya ngayon si Engr. Casidsid na alamin at ibigay sa kanya ang report kaugnay sa isyu na ito.

Samantala, ang drainage system ay may budget na umano ng Lokal na Pamahalaan ng Malay kung saan ito ay para sa pampublikong proyekto at hindi pampribado gamit lamang.

Sa kabila nito, nagbigay naman ng komento ang ibang mga concern agencies ukol sa mga mabahong amoy na kanilang nalalanghap at nakikita mula sa mga area na walang sewage system.

Nabatid, na kung sinuman ang makita at hindi sumunod sa patakarang ito ng LGU-Malay ay bibigyan umano ng kaukulang penalidad.

Samantala, naka-focus sila ngayon na ayusin ang Bolabog Beach area na kung saan ito ngayon ang labis na apektado ng naturang problema.

No comments:

Post a Comment