Wednesday, November 30, 2016

35 mga pulis nakatakdang i-deploy sa isla ng Boracay, para sa papalapit na Christmas Season

Posted November 30, 2016
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for boracay pnp
Muli ngayong madaragdagan ang hanay ng mga pulis sa Boracay PNP.

Ito’y matapos meron umanong bagong paparating na 35 mga pulis na manggagaling sa PRO6.

Ayon kay Boracay PNP Police Senior Inspector Jose Mark Gesulga, may nauna na umanong nadeploy na  45 mga pulis sa isla kung saan ito ay kasama nila sa kanilang mga operasyon para mas  mapaigting pa ang kanilang pagbabantay sa isla partikular sa paparating na pasko , bagong taon, Chinese New Year at ASEAN Summit.

Inaasahan na kasI ngayon ang pagdagsa ng mga turista lalo’t paparating na ang Peak Season .

Nabatid na itong 35 na bilang ng mga kapulisan ay para sa nasabing paghahanda sa seguridad ng isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment