YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, November 28, 2016

53 mga miyembro ng 4P’s, natanggap sa trabaho sa isinagawang job fair sa Aklan

Posted November 28, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for 4psPara makatulong sa mg kabataan, limam’put tatlo na miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ngayon ang natanggap sa trabaho sa isinagawang job caravan sa ABL Sports and Cultural Complex.

Nabatid na ang nais ng “Hanap buhay” na programa ng 4P’s ay para makapagbigay ng pangkabuhayan sa mahigit 400 kabataan na miyembro nito. Kung saan ang mga ito ay sumailalim muna sa technical-vocational schools na accredited ng Technical Education and Skills Development Authority o (Tesda).

Itong programa ay isinagawa ng Department of Social Welfare and Development Region 6 job caravan sa ilalim ng kanilang Sustainable Livelihood Program.

Samantala, sa 53 aplekanti na natanggap, 668 naman ang napag-alaman na natanggap na sa ibat-ibang trabaho na inalok ng 23 recruitment agencies kung saan meron itong 14 na local at siyam na overseas.

Kaugnay nito, posibleng ang mapasukang trabaho ng mga ito ay ang fixed assets and supplies assistant, baggers, cashiers, sales, at stock clerks sa supermarket, grass-cutters para sa manpower at general services company, customer service representatives sa lahat ng call center at  household service workers sa Middle East.

Samantala, sa pakikipag-tulungan ng Public Employment Service Office, at ng Department of Labor and Employment naging matagumpay ang isinagawang okasyon.

No comments:

Post a Comment