Posted November 30, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Nais umanong
pa-imbestigahan Committee on Tourism ng Sangguniang Bayan ng Malay ang tungkol
parin sa usapin sa Farm-C sa Manoc-manoc partikular ang pag-issue ng
ticket.
Nabatid nitong
nagdaang Martes sa sesyon, ipinatawag
ang mga personalidad mula sa Farm-C, Treasurers Office, at Agricultures Office upang pag-usapan ang naturang problema sa
lugar at ng sa gayon ay mabigyang-linaw na
ang responsibilidad ng bawat isa.
Dito, binuksan ni
SB Dante Pagsuguiron ang tungkol sa mga naglabasang pekeng snorkeling ticket
umano na ini-isyu sa mga Snorkeling
Activity kung saan napag-alaman nila ito sa kanilang ginawang ocular inspection
sa lugar.
Kaugnay nito, lumalabas
din sa kanilang pag-inspeksyon na meron umanong pagkaka-iba sa mga nailabas na
ticket, partikular na umano sa digit ng Serial Number nito.
Samantala, katanungan pa dito kung sino umano ang dapat humawak ng Snorkeling Ticket na
ini-issue partikular na ang kita. Sinagot naman ito ni Municipal Agriculturist
Denric Augustus Sadiasa na dapat baguhin nila ang kasunduan ng MOA ng sa gayon
ay maging maayos ang isyu tungkol dito.
Nabatid ayon sa Commission
on Audit o (COA), responsibilidad umano ng Accounting at Treasurers Office na
magkolekta ng naturang fees na nasa ilalim ng LGU-Malay at hindi ng private
individuals o sinuman.
Kaya naman, nais ngayong gumawa ng resulosyon si
Pagsuguiron upang makapagbigay ang Treasurers Office ng report hinggil sa nasabing
isyu.
Ayon pa kay
Gallenero sa oras na hindi nila maipasa ang report, dito na sila magsasagawa ng
imbestigasyon sa ma-anomalyang nangyayari dito.
No comments:
Post a Comment