Posted November 28, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona at Danita Jean A.
Pelayo, YES FM Boracay
Nakatakda ngayong
ipatawag sa susunod na sesyon ng Sangguniang Bayan ng Malay ang mga suppliers
ng E-trike o Electronic Tricycle sa isla ng Boracay.
Ito ang laman ng Privilege
Speech kaninang umaga ni SB Dante Pagsuguiron sa ginanap na 20th Regular
Session ng Malay, kung saan isang sulat ang ipina-abot sa kanya ng mga driver-
operators ng E-trike hinggil sa kanilang mga hinaing kaugnay sa kanilang
paggamit nito.
Sa nasabing
sulat, ay tatlumpo’t-walong mga driver at operators ang lumagda sa naturang
reklamo na sila umano ay apektado sa mga polisiyang ipinapatupad partikular ng kompanya
ng Tojo Motors Corporation.
Partikular na
tinukoy dito ang pagbalik o pag-recharge umano ng mga unit bago umabot ng 77. 2
volt meter na malaking epekto sa mga sira ng battery sa kadahilanang napupunta
nalang ang kanilang kita para pambayad dito.
Kung saan ang
first charge ay P250.00 na umaabot hanggang sa P 650.00 bawat araw pambayad sa
battery charging maliban pa sa pagbili nila ng napakamahal na piyesa na sa
kanila lamang mabili ng eksklusibo.
Isa rin sa mga
nabanggit sulat-reklamo ay kapag lumalakas umano ang ulan at basa ang kalsada
ay nawawalan ng preno ang kanilang E-trike dahilan para magkaroon ng mga hindi inaasahang
aksidente.
Kaya naman handa
umano silang tumigil sa kanilang pamamasada kung kinakailangan upang mabigyang
daan ang pag-recall ng mga unit ng E-trike sa Boracay.
Kaugnay nito,
napag-pasyahan sa komite na ipatawag sa susunod na sesyon ang apat na suppliers
ng E-trike kung saan ito ay Be-mac, Tojo, Gerweiss Motors at Prozza upang mapag-usapan ang mga reklamo sa E-trike.
No comments:
Post a Comment