Thursday, December 01, 2016

Revetment Wall na proyekto ng DPWH sa Aklan, nawasak

Posted December 1, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for dpwhHindi umano makapaniwala si DPWH Aklan District Engr. Noel Fuentebella, na masisira ang 30 meters revetment wall na proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Brgy. Bulwang, Numancia, Aklan.

Ito ang kanyang sinabi matapos manalasa ang bagyong Marce nitong nakaraang linggo kung saan itinaas ang pronbinsya ng Aklan sa signal number 2.

Labis naman ang paghihinayang ng opisina ng DPWH-Aklan sa naturang proyekto, dahil ito umano’y nakapasa na sa kanilang standard.

Kaugnay nito, ang nakikita naman nilang dahilan kung bakit ito nasira ay dahil sa malakas na agos na dulot ng ulan at pagbaha sa lugar.

Samantala, patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng opisina ng DPWH sa nasabing pagkasira ng revetment wall.

No comments:

Post a Comment