Wednesday, November 30, 2016

Construction worker, nasaksak sa Boracay

Posted November 26, 2016
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay
Image result for STABBING
Nagtamo ng sugat ang isang construction worker matapos itong masaksak sa front beach area ng Station 2 Brgy. Balabag, Boracay.


Ang insidente ay ini-report ng kasama ng biktima sa Boracay PNP na si Jhef Barrientos Saracanlao, 20- anyos residente ng Bagacay, Ibajay at pansamantalang naninirahan sa barracks sa Sitio Hagdan. Brgy. Yapak.

Inereklamo ng kasama ng biktima ang dalawang suspek na sina alyas” Nonoy” at si alyas “Robelos” parehong residente ng Pangpang, Ibajay.

Nabatid na naglalakad umano ang magkakatrabaho papunta sa isang bar sa Station 2 ng makakita sila ng grupo ng mga kalalakihan.

Sa hindi malamang dahilan ay isa sa mga ito ang bumangga sa biktima at agad namang sumuntok sa mukha nito dahilan ng kanyang pagkatumba.

Agad namang inawat ng mga kasamahan ng biktima ang gulo kung saan kalaunan ay napansin ng isa sa kasamahan na may dalawang saksak na ito sa kanyang likod at sa bahaging bewang nito.

Dahil dito agad na dinala ang biktima sa pinakamalapit na center para malapatan ng gamot ang kanyang natamong sugat.

Samantala, ang reklamo ay patuloy pa ngayong ini- imbestigahan ng Boracay PNP.

No comments:

Post a Comment