Tuesday, July 12, 2016

Tourist arrival sa Boracay sa loob ng 6 na buwan halos umabot na sa 1M

Posted July 12, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for boracay tourist arrivalHalos umabot na ngayon sa 1 Milyon ang tourist arrival sa isla ng Boracay sa loob ng anim na buwan o first half ng 2016.

Ito ay base sa inilabas na rekord ng Aklan Provincial Tourism Office (APTO) kung saan naitala ang total number visitors na 982, 710 simula noong Enero hanggang nitong Hunyo.

Lumalabas din sa datos na ang bisita sa Boracay sa first half ng 2016 ay tumaas ng 15. 32% sa 852, 168 arrivals ng kaparehong period noong nakaraang taon.

Nabatid na ang buwan ng Abril ang siyang may pinakamataas na numero ng tourist arrival ngayong taon dahil sa kasagsagan ng selebrasyon ng isang linggong “LaBoracay” event.

Samantala, target naman ngayong taon ang 1.7 million tourist arrival ng Municipal Tourism Office (Mtour) Malay.

No comments:

Post a Comment