YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, July 13, 2016

Bakuna para sa Oplan “Goodbye Bulate” ng Deped at DOH, kasado na

Posted July 13, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for Oplan “Goodbye Bulate”Kasado na ang Municipal Health Office ng Malay sa pakikipagtulungan sa Department of Education (DepEd) at Department of Health (DOH) para sa programang Oplan “Goodbye Bulate” para sa mga estudyante.

Ayon kay MHO Nurse II Arbie Aspiras, mas mahigpit na rin ang gagawing panuntunan ng DOH sa pagpapainom ng deworming tablet kung saan hindi bibigyan o papayagang uminom ang sinomang mag-aaral na hindi busog dahil maging malala ang epekto ng gamot kapag gutom ang bata.

Kabilang din umano sa hindi bibigyan ng gamot ay ang nagtatae, malnourished, sumasakit ang tiyan, may allergy at may lagnat o sakit.

Samantala, tiniyak naman ng kagawaran na ligtas at hindi expire ang ipapainom na mga gamot.

Sinabi pa ni Aspiras na ang pagkakaroon ng bulate ay nagdudulot para maging malnourished ang mga bata, napipigilan ang kanilang paglaki at nagiging dahilan nang paghina ng performance sa school. Umano’y ang mga batang may bulate ay mabagal mag-isip at kulelat sa mga aralin.

Hangad umano nila ngayon na matulungan ang mga bata na hindi dapuan ng ganitong sakit lalo na at panahaon na naman ng tag-ulan.

No comments:

Post a Comment