YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, July 12, 2016

Boracay Task Force, maglilimita ng weight limit sa mga barges

Posted July 12, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay              
         
Image result for bargeHanggang 300 gross tonnage na lamang ngayon ang kailangang bigat ng mga ikinakarga sa barge sa isla ng Boracay base sa itinakdang weight limit ng Boracay Task Force.   

Sa inilabas na resolution No. 1 Series of 2016 ng Office of the Provincial Governor sa pamamagitan ng Task Force Bantay Boracay (TFBB), dito nagtatakda ng weight limit na 300 gross tonnage sa anumang barge na dadaong sa isla ng Boracay.

Nabatid na inilabas ng TFBB ang nasabing resolusyon dahil sa napansin nila na ang environmental state ng isla ng Boracay at ang underwater marine life nito ay apektado na dala ng patuloy na construction development sa isla.    
     
Maliban dito apektado rin umano ang corals and sea floors, na nagreresulta sa negative impact sa marine biodiversity, triggering imbalance sa underwater ecosystem dala ng pagsadsad ng malalaking barge sa buhangin ng isla.

Ipagbabawal  na rin ang pagdaong ng mga barge sa ibang area sa Boracay maliban sa Manoc-Manoc cargo area o base sa abiso ng mga kinauukulan sa tuwing  “Habagat” season.

Samantala, ang kopya ng nasabing resolusyon ay inaprobahan noong Hunyo 3 at ipinamahagi sa Task Force Boracay members, Barge Operators, BFI at sa ibang stakeholders sa isla.

No comments:

Post a Comment