Wednesday, July 13, 2016

Problema sa pontoon sa Tabon Port pinag-usapan sa Sangguniang Bayan ng Malay

Posted July 13, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for Tabon PortMuli na namang napag-usapan sa Sangguniang Bayan ng Malay ang problema sa pontoon sa Tabon Port na siyang alternatibong daan tuwing Habagat sa Boracay.

Sa 2nd Regular Session ng Malay nitong Martes dito tinalakay ng konseho ang naturang problema kung saan may kaliitan umano ito na kung minsan ay nahihirapan ang mga dumaraang pasahero sa lugar.

Maliban dito may area doon na walang hawakan kung saan delikado sa mga turista lalo na kung malakas ang alon na siya namang nagpapagalaw sa pontoon.

Dahil dito nakatakdang ipaayos muli ng LGU Malay sa mga kinauukulan ang pontoon dahil sa sunod-sunod na itong nagagamit ngayon dala ng Habagat sa isla.

No comments:

Post a Comment