Monday, July 11, 2016

BIWC, humingi ng pag-unawa dahil sa traffic na dulot ng mainroad construction sa Boracay

Posted July 11, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

“Pang-unawa.”                

Ito ngayon ang hiniling ng Boracay Water Company o (BIWC) sa mga commuters at tricycle driver dahil sa traffic na nararanasan tuwing dadaan sa Mainroad ng Manoc-manoc, Boracay.

Nabatid kasi nagrereklamo ngayon ang ilan sa mga residente sa isla dahil sa nararanasang   traffic sa tuwing sila ay dadaan sa nasabing lugar.

Dahil dito humihingi ngayon si BIWC Business Operations Head Acs Aldaba, ng pag-unawa sa mga tao dahil sa matagal-tagal pa umano itong matatapos para sa inaayos na sewer line expansion.

Dagdag pa nito na ang construction ng BIWC sa mismong kalsada ay para maglagay ng manhole na pagdadaluyan ng tubig papunta sa kanilang planta.

Layunin ng BIWC na unti-unting tapusin ang construction dito upang maging maayos at malinis ang resulta nito sa lugar kung saan nasa master list nila ngayong taon na matapos ang naturang proyekto.

No comments:

Post a Comment