Tuesday, July 12, 2016

Boarding house, niluoban ng magnanakaw

Posted July 12, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for theftNagpasaklolo sa mga pulis ang isang 32-anyos na lalaki matapos luoban ng magnanakaw ang kanyang kwarto sa inuupahang boarding house sa Sitio Hagdan, Brgy. Yapak, Boracay.

Base sa report ng biktima na si Jhielbert Gadnanan sa Boracay PNP, nagising nalang umano siyang nawawala na ang kanyang cellphone na nakalagay sa kanyang higaan.

Agad din umano nitong sinuri ang kanyang iba pang gamit at doon ay nadiskobre nito na nawawala rin ang kanyang Silver necklace na nagkakahalaga ng P8,000 at P4, 000 cash na pinaniniwalaang kinuha ng suspek na si Rowel Taunan.

Nabatid na si Taunan ang pinaniniwalaang nanluob sa kwarto ng biktima matapos itong makita ng isa sa boarders sa lugar na minaman-manan ang kwarto ni Gadnanan.

Sa ngayon ay pinaghahanap na ng mga pulis ang suspek matapos madiskobre na naiwan nito ang kanyang sombrero at isang paris na tsinelas sa kwarto ng biktima.

No comments:

Post a Comment