Posted July 11, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Isa mga nagiging daan ang komunidad kung bakit madami
ngayong mga drug pusher/Puser ang sumusuko sa mga kapulisan sa probinsya.
Ayon kay APPO PSSupt John Mitchell Jamili, malaki ang
kanyang pasasalamat dahil madaming mga nakibahagi sa kanilang kampanyang “Oplan
Tokhang” kung saan hinihikayat ng publiko ang kanilang mga kakilalang gumagamit
ng illegal na droga na sumuko sa mga kapulisan.
Liban dito, maging ang mga stakeholders, Barangay Anti-Drug
Abuse Council (BADAC), Provincial and Local Government at media relations ay
pinasalamatan di ni Jamili sa suporta sa kanilang kampanya.
Nabatid na patuloy ngayon ang pagdami ng mga sumusukong
sangkot sa droga sa Aklan kung saan halos umabot na ito sa tatlong daan.
No comments:
Post a Comment