Posted July 15, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Mismong si Aklan Governor Florencio Miraflores ang siyang
nagpakita ng naturang Masterplan sa mga taga CAAP at sa mga kinauukulan ng
naturang paliparan.
Ngunit sa kabila ng pinaplanong expansion ay marami
namang mga magsasaka na nakapaligid sa naturang airport ang tila hindi pabor sa
ibinibigay na bayad para sa kanilang mga naapektuhang lupain.
Nabatid kasi na puro palayan ang nakapalibot sa Kalibo
Airport na isa sa mga pangunahing pinagkukunan ng pangkabuhayan ng mga
residente sa lugar.
Sa kabila nito, umani naman ng ibat-ibang reaksyon sa
social media ang inilabas na masterplan kung saan hiling ng mga ito na kung
maaari ay ayusin umanong mabuti ang loob at labas ng airport lalo na ang departure
area na kulang sa upuan.
Maliban dito hiling din ng ilan na sana ay libre na ang
P200 na terminal fee ng mga Aklanon sa tuwing dadaan sila sa nasabing
paliparan.
Ang kalibo International Airport ang siyang itinuturing
na main gateway sa Region 6 at Western Visayas dahil sa dami ng International
flights na tinatanggap nito araw-araw.
No comments:
Post a Comment