Monday, July 11, 2016

25-anyos na lalaki, binugbog sa loob ng bar

Posted July 11, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay 

May pasa pa sa ibat-ibang parti ng kanyang katawan ang isang 25-anyos na lalaki na dumulog sa Boracay PNP matapos itong bugbugin sa loob ng isang bar sa Sitio Manggayad, Brgy. Balabag, Boracay kaninang madaling araw.

Sumbong ng biktimang si Nico Esporama sa mga pulis, nag-iinuman umano sila kasama ng kanyang kaibigan sa lugar ng mapansin nitong nasa ilalim ng nakakalasing na inumin ang suspek na si si Joerge Fornal at si certain Sherly na lumapit sa kanila.

Dito ay nagkaroon umano sila ng mainitang diskusyon kung saan binugbug ng mga ito ang biktima dahilan para magtamo siya ng pasa sa ibat-ibang parti ng kanyang katawan.

Agad namang ini-report ng biktima sa mga pulis ang dalawang suspek kung saan pinag-hahanap pa ito ngayon matapos tumakas.

No comments:

Post a Comment