Wednesday, July 13, 2016

Bading pinagsasaktan ng kapwa bading sa Boracay

Posted July 13, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona,YES FM Boracay

“Suntok, Sampal at Kalmot”

Ito ang inabot ni Edilito Espilita, 27-anyos ng Iloilo, City sa kanyang kaibigan na kapwa Lady Boy na si Roger Navarro, 27-anyos, residente ng Negros Occidental at parehong nakatira sa Sitio Angol, Brgy. Mano-manoc, Boracay.

Sumbong ng biktima sa mga pulis, nasa dalampasigan umano siya sa station 2 ng lapitan ng suspek at walang kadahil-dahilan ay pinag-susuntok siya at pinag-sasampal pati na kalmot  dahilan para magresulta ito ng pananakit sa kanyang katawan.

Napag-alaman na dahil umano sa kalasingan ay nagawa ito ng suspek sa biktima kung saan minabuti naman ng Boracay PNP na i-refer ang reklamo sa Brgy. Justice System ng Manoc-manoc para sa kanilang agarang pag-aayos.

No comments:

Post a Comment