Posted July
16, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ito’y para bigyang daan ang nagpapatuloy na proyekto ng
Boracay Island Water Company (BIWC) na Manoc-manoc Sewerline Network Project.
Dahil dito isang meeting ang nakatakdang isagawa ng Office
of the Mayor sa pangunguna ni Rowen Aguirre, Executive Assistant IV ng LGU
Malay sa darating na Lunes Hulyo 18, 2016 sa Action Center Balabag.
Layun ng pinapalanong Re-routing na maiwasan ang delay at
trapik sa isla ng Boracay lalo na tuwing rush hour dahil sa ginagawang proyekto
sa kalsada.
Nabatid na minamadali na ng BIWC ang kanilang Sewerline
Network Project sa Manoc-manoc para sa mas maayos na serbisyo sa isla ng
Boracay na inaasahang matatapos ngayong buwan ng Setyembre.
No comments:
Post a Comment