Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Nananakit pa ang
ulo ng isang tourguide ng magsumbong sa Boracay PNP matapos umano siyang hampasin
ng bote ng alak ng kanyang kapwa tourguide sa isang inuman sa Manoc-manoc,
Boracay.
Nakilala ang
nagre-reklamo na si Andrian Chiu, 22-anyos habang ang suspek naman ay si Niko
Tiaga, 28-anyos na kapwa naninirahan sa isla ng Boracay.
Ayon sa blotter
report ng mga pulis, nag-iinuman umano sila sa nasabing lugar ng nagkaroon ng
mainitang diskusyon sa suspek at sa isang kainuman nito dahilan para awatin ito
ng biktima.
Subali’t imbes na
tumigil ang suspek ay ang biktima ang binalingan nito galit na siya namang
dahilan para hampasin niya ito ng bote ng alak.
Agad namang
naisugod sa pinakamalapit na pagamutan ang biktima para malapatan ng agarang medikasyon.
Samanatala, ang
kaso ay ini-refer na ng Boracay PNP station sa Brgy. Justice System ng
Manoc-manoc.
No comments:
Post a Comment