Monday, July 11, 2016

Boracay muling nakapasok sa 2016 World’s Best Islands ng Travel and Leisure

Posted July 11, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for island of boracay
www.tropicalislands64.com
Nasa ikalawang puwesto ngayon ang isla ng Boracay sa Top 10 World’s Best Islands ng kilalang magazine na Travel and Leisure na nakabase sa New York City.

Nakakuha ng score na 90. 47 ang Boracay na siyang pumapangalawa sa nahirang na number 1 na Palawan na may score namang 93.

Dahil dito nagpasalamat naman si Malay Tourism Officer Felix Delos Santos dahil sa hindi parin nawawala sa listahan ang isla ng Boracay kung saan patuloy parin umano itong namamayagpag sa buong mundo.

Ayon kay Delos Santos, ang iniaalok umanong magagandang serbisyo sa isla at ang tourism experience maliban sa long beach ang siyang nagpapahanga sa mga turista na dumadayo sa Boracay.

Kabilang naman sa top 10 ang volcanic island ng Ischia sa Italy na siyang third place, sumunod ang Waiheke Island sa New Zealand at romantic Greek island ng Santorini na siya namang kinilala sa ikalimang puwesto.

Nasa ika-anim na puwesto naman ang Cebu City, sumunod ang Maui sa Hawaii at Hilton Head Island sa South Carolina habang Kauai island sa Hawaii din ang ika-9 at pang-10 naman ang Bali Indonesia.

Nabatid na ang isla ng Boracay ay kinilala din noon ng Travel and Leisure na siyang nasa ranked number 2 noong 2013 at No.1 noong 2012.

No comments:

Post a Comment