YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, July 10, 2015

Resolusyon ng SB Malay na One Entry One Exit Policy sa Tambisaan-Tabon Port tuwing Habagat, nais ipagwalang-bisa ni Governor Miraflores

Posted July 10, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nais ipagwalang-bisa ni Governor Florencio Miraflores ang resolusyon ng Sangguniang Bayan ng Malay na One Entry One Exit Policy sa Tabon at Tambisaan Port tuwing Habagat.

Ito ang nilalaman ng kanyang sulat na ipinadala kay Mayor John Yap at kay Vice Mayor Wilbec Gelito ng Malay nitong Hulyo 3.

Nabatid na umalma ang Provincial Government ng Aklan dahil sa resolusyong No. 073 series of 2014 ni Malay SB Member Floribar Baustista at ni Liga President Abram Sualog kung saan ito ay entitled bilang “Resolution Establishing Tabon Port And Tambisaan Port as Regular Port Of Entry and Exit to and From Boracay Island sa panahon ng Southwest Monsoon o Habagat Season.

Nakasaad din dito na ang nasabing resolusyon ay hindi opisyal na dumaan sa Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan para e-review o pag-aaralan.

Ayon naman kay Jetty Port Administrator Niven Maquirang ang resolusyon umanong ito ay sumasalungat sa Provincial Ordinance No. 05-032 (An Ordinance Implementing The Regulations of the One Entry/Exit Policy To/ From Boracay Island para sa Preservation, Protection, Security and Safety of the Provincial Tourism Assets and Resources and Prescribing Penalties For Violations Thereof).

Dagdag pa ni Maquirang, na dapat bago inakda itong resolusyon ay pinatawag muna ang Jetty Port at ang province kasama ang lahat ng transport groups para hindi magkalito-lito.

Samantala, dahil dito nais ni Governor Miraflores na ipagwalang-bisa ang resolusyon na No.073, series of 2014 ng SB Malay.

No comments:

Post a Comment