Posted July 10, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Mahigpit umanong ipinagbabawal ng Local Government Unit
(LGU) Malay partikular ng Environmental Management Services ang anumang diving
activity sa Tabon at Tambisaan Port.
Ito ang sinabi ni Malay EMS Administrative Assistant Al
Lumagod, matapos silang makatanggap ng impormasyon na may mga nagkakaroon ng
scuba diving activity sa dalawang nasabing port.
Sinabi nito na may inilabas na municipal ordinance 73
series of 2014 ang LGU Malay na ang dalawang naturang port ang siyang magiging
regular one-entry one exit policy sa tuwing mararanasan ang Southwest monsoon o
Habagat kung kayat hindi puwedi rito ang scuba diving activity.
Samantala, ipinunto pa ni Lumagod na ang kanilang
ginagawang ito ay para mapangalagaan ang mga bisita sa isla ng Boracay.
Nabatid na sakaling may mga mahuli silang sumusuway sa
nasabing kauutusang ito ay awtomatikong mabibigyan sila ng violation ticket
kasama na ang hindi pag-renew ng kanilang permit.
No comments:
Post a Comment