Monday, July 06, 2015

Baranggay kagawad at driver sa bayan ng Malay kalaboso sa buy bust operation

Posted July 6, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for illegal drugs
Agad na dinala sa bayan ng Kalibo ang isang Baranggay Kagawad sa Malay kasama ang isa driver matapos na mahuli sa isang buy bust operation sa Brgy. Balusbos ng nasabing bayan.

Kinilala ang mga nahuli na si Jerahmeel Supetran, 35-anyos may asawa at Kagawad ng Brgy. Motag kasama si Loduvico Istomo Jr., 43-anyos na tubong San Remio, Antique.

Nahuli sa buy bust operation ang dalawa dahil sa pagtutulak ng shabu pasado alas-12 ng hating gabi kahapon.

Nakuha sa mga ito ang ang limamg sachet ng pinaniniwalaang shabu, 2 libong pisong marked money at cellphone na ginagamit para sa illegal drug transactions.

Na-korner naman ang mga ito sa pinagsanib ng pwersa ng Malay PNP at Provincial Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group (PAIDSOTG).

Samantala, kulong na ngayon ang dalawa sa Nalook Provincial Jail sa bayan ng Kalibo habang isinasampa ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o An Act Instituting The Comprehensive Dangerous Drugs Act Of 2002.

No comments:

Post a Comment