Posted July 9, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Sinampahan na ng kasong Theft ang isang gwardya na
nagnakaw ng mahigit P67 libo sa opisina ng Kalibo Cable TV Network nitong
nakaraang gabi.
Ayon kay Kalibo Police Chief Superintendent Pedro
Enriquez, kinilala ang suspek na si Albert Roldan, 26 anyos ng Brgy. Arcangel,
Balete, Aklan.
Agad umano nilang nakilala ang suspek sa kuha ng CCTV
Camera kung kayat pinuntahan nila ito sa kanyang inuupahang boarding house sa
Laguinbanwa East Numancia at doon ay nakita ang mga cash na pera na nakalagay
sa isang malaking timba.
Nabatid na pumunta umano ang suspek sa compound ng KCTN
para mag-relyebo sa isang guwardya at dahil dito ay nagkaroon siya ng
pagkakataon na pumasok sa opisina at doon ay binuksan ang drawer na naglalaman
ng pera saka niya ito kinuha.
Aminado naman umano ang suspek na mahuhuli siya dahil sa
mayroong CCTV camera sa loob ng nasabing opisina kung saan dito din siya
na-assign dati bilang isang guwardya.
Base pa sa salaysay ng suspek sa mga pulis na natukso
lamang siya na kunin ang nasabing pera dahil sa kanyang anak na dalawang buwan
na may bukol sa ulo na binilhan nito ng gamot at nag-groceries pa gamit ang
ninakaw na pera.
Samantala, todo naman ang pagsisisi ng suspek matapos na
umiiyak na humihingi ng tawad sa tanggapan ng Kalibo Cable TV Network.
No comments:
Post a Comment