Monday, July 06, 2015

(KP) Roadshow ng DOH nakatakdang dumayo sa bayan ng Tangalan ngayong Hulyo

Posted July 6, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nakatakdang mag-host ang bayan ng Tangalan sa Aklan ng Kalusugan Pangkalahatan (KP) Roadshow ng Department of Health (DOH) ngayong Hulyo 15, 2015.

Dito matutungahayan ang ibat-ibang health activities at serbisyo para sa lahat ng buntis at hindi buntis na ina, lalaki, batang may edad lima pababa, senior citizen, adolescents at health services para naman sa LGBTs.

Nabatid na nasa walong daang partisipante at bisita mula sa ibat-ibang bayan sa lalawigan ang inaasahang dadalo sa nasabing Roadshow.

Ang programang ito ay inorganisa ng Department of Health Region 6, Provincial Health Office (PHO) Aklan at LGU Tangalan na nakatakdang mag-pulong para e-finalize ang mahahalagang detalye kaugnay sa nasabing provincial event.

Samantala, ang KP Roadshow ng DOH ay nauna ng isinagawa sa bayan ng Malay noong Oktobre 2014 kung saan dinaluhan naman ito ng daan-daang katao.

No comments:

Post a Comment