Tuesday, July 07, 2015

Ibat-ibang aktibidad ngayong National Disaster Consciousness month ikinasa ng LGU Malay

Posted July 7, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for national disaster consciousness month 2015 themeIkinasa ng Local Government Unit (LGU) Malay ang kanilang ibat-ibang aktibidad ngayong National Disaster Consciousness month.

Katunayan magkakaroon ang Malay Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng bloodline o bloodletting bukas sa SB Session Hall simula alas-9 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon.

Maliban dito gaganapin naman sa Hulyo 11 ang tinatawag na Family Run na may temang “Pamilya at Pamayanang Handa, Katuwang sa Pag-unlad ng Bansa” habang sa Hulyo 18 ay naman ng Poster and Slogan Contest.

Samantala, makikiisa rin ang LGU Malay sa National Earthquake Drill sa Hulyo 22 kasama ang Private at Public School, NOA at mga establisyemento sa Malay.

Suportado rin ang naturang programa ng ibat-ibang grupo at sektor sa Malay at Red Cross (PRC) Boracay-Malay Chapter.

No comments:

Post a Comment