Posted July 9, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nakatanggap umano ng impormasyon si Malay SB Member
Floribar Bautista ng umanoy construction ng Dam na pagmamay-ari ng Petro Wind
sa Napaan River.
Ito ang kanyang sinabi sa privileged hour ng 23rd
SB Session ng Malay nitong Martes.
Ayon kay Bautista dapat umano itong embistigahan ng mga
kinauukulan upang alamin kung ito ay may mga nilabag na maaaring makasira sa
ilog.
Ngunit sinabi nito na base sa kanyang natanggap na report
na ang naturang Dam ay para ma-kontrol ang putik sa itinatayong Wind Mill sa
mismong Napaan River.
Nabatid na nagrereklamo ngayon ang residente ng Brgy.
Napaan dahil sa naaapektuhan ang malinis na tubig sa ilog dulot ng hinuhukay na
lupa sa nasabing area dahil sa pagtatayo ng Wind Mill.
Dahil dito ipinaabot naman ng Sangguniang Bayan ng Malay
ang nasabing balita sa Engineering Office upag agad na ma-inpeskyon ang umano’y
construction ng naturang Dam.
Ang Napaan River ay isa sa mga nag-susuplay ng tubig sa
buong bayan ng Malay lalo na sa isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment