Wednesday, July 08, 2015

Commissioning ng TIEZA sa pumping station sa Bulabog malaki umanong tulong sa Boracay

Posted July 8, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for TIEZAMalaki umanong tulong sa isla ng Boracay ang ginawang testing at commissioning ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) sa pumping station sa Bulabog beach.

Ito ang sinabi ni Engr. Giovanni Rullan, TIEZA consultant at head ng nasabing project matapos ang kanilang ginawang commissioning nitong nakaraang linggo sa nasabing area.

Aniya, matagumpay umano ang kanilang ginawang operation sa paglinis ng kanal partikular sa D’mall, Regency at Mandarin area na bahagi ng kanilang phase 1 project.

Sinabi pa nito na ang tubig sa Bulabog beach ay hindi maapektuhan ng kanilang ginawang testing at commissioning dahil bago umano nila ito pinalabas ay gumamit muna sila ng organic minerals sa pumping station ng halos isang buwan para hindi ito mangamoy bago ipalabas.

Samantala, sa ngayon umano ay nasa proseso na sila para sa pag-turn over ng nasabing pumping station sa Boracay Island Water Company (BIWC) kung saan mayroon umano silang joint agreement para rito.

Dagdag nito na kung sakaling maiturn-over na ito sa BIWC ay sila na ang magtutuloy sa maintenance ng nasabing drainage system.

Nabatid na ang first phase project na ito ay nagkakahalaga ng P85-million para mabawasan ang mga pagbaha partikular sa 11-hectare central business district ng Boracay.

No comments:

Post a Comment