Wednesday, July 08, 2015

Construction at expansion project ng Caticlan Airport inaasahang matatapos sa 2018

Posted July 8, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Tatlong taon pa umano ang aantayin bago tuluyang makumpleto ang construction at expansion project ng ginagawang Caticlan Airport.

Ito ang sinabi ni Engr. Edgar Doña ng TransAir matapos na maimbitahan ang mga ito sa 23rd SB Session ng Malay kahapon.

Ayon kay Engineer Doña ang proyekto umanong ito ay nagsimula noong 2010 kung saan ngayon ay natapos na nila ang 1, 650 meters runway na kadugtong ng 900 meters sa kasalukuyang ginagamit ng paliparan.

Umaasa umano sila na makukumpleto ang 1, 800 meters run way para ma-accommodate ang malalaking aircraft sa Marso 2016.

Samantala, sinabi nito na maaari na silang tumanggap ng eroplano na may 70-80 pax passengers ngayong buwan ng Oktobre sakaling mabigyan sila ng permit ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP). 

Nabatid na limitado lamang ngayon ang biyahe ng mga eroplano sa nasabing paliparan kung saan tumatanggap lamang sila ng maliliit na eroplano at day-time lang din ang kanilang operasyon.

Ang Caticlan Airport ay balak gawing International Airport dahil sa dumaraming mga turista ang nagbabakasyon sa isla ng Boracay mula sa ibat-ibang panig ng mundo.

No comments:

Post a Comment