Posted July 6, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Mahigit isang taon na ang nakakalipas matapos na simulan
ang expansion project ng Boracay ospital na ngayon ay naiwang nakatiwang-wang
dahil sa ilang kontrobersya.
Ayon kay Aklan Provincial Health Officer II Dr. Victor
Sta. Maria, hawak pa umano ang proyektong ito ng Department of Health (DOH)
Region 6 kung saan nasimulan ng ipagawa ang phase 1 sa phase 3 na pagamutan na ngayon
ay partial pa lamang ang natatapos sa phase 1 dahil sa problema sa contractor.
Dagdag pa ni Dr. Sta. Maria, ngayon umano ay pinag-aaralan
na ng DOH Region 6 ang pag turn-over nito sa Provincial Health Office ng Aklan upang
maituloy na ang naudlot na construction ng nasabing ospital.
Sinabi pa nito na ang pondo sa expansion project ng
Boracay ospital ay mula mismo sa DOH Region 6 kung saan balak din itong gawing
tatlong palapag at lagyan ng mga high-tech na aparato para sa mga pasyente.
Matatandaan namang nagpadala ng sulat ang SB Malay sa DOH
Region 6 upang hilingin ang pag-fast track ng Boracay hospital para sana sa
ginanap na APEC Ministerial meeting sa Boracay nitong Mayo.
Samantala, nabatid na iilang kama nalang ngayon ang
ginagamit ng Boracay ospital para sa mga pasyente kung saan umaabot lamang sa
lima hanggang walong pasyente ang kanilang kayang tanggapin.
No comments:
Post a Comment