Posted July 10, 2015
Ni Jay-Ar M. Arante, YES FM Boracay
Mahigpit ngayong ipinagbabawal ng Environmental Management
Services ng LGU Malay ang pag-aalaga at pagdadala ng buhay na baboy sa isla ng
Boracay.
Ayon kay Malay EMS Administrative Assistant Al Lumagod,
ang kanilang ginagawang ito ay para mapangalagaan ang kalikasan ng isla ng
Boracay dahil sa maaaring humalo sa tubig baha ang dumi ng baboy.
Dahil dito, ipapatawag umano nila ang lahat ng piggery
owners sa Boracay upang maipaabot sa kanila ang existing ordinance ng LGU Malay
kaugnay sa mahigpit na pagbabawal ng pag-aalaga ng baboy sa Boracay.
Maliban dito sinabi naman ni Lumagod na nirerespito nila
ang mga nag-aalaga ngayon ng baboy sa Boracay dahil sa pinagkukunan umano nila
ito ng kabuhayan kung kayat hindi pa nila ito mapapahinto agad-agad.
Samantala, idiniin nito na kung sakaling may makita
silang itinatawid na buhay na baboy sa Boracay ay bibigyan umano ang mga ito ng
violation ticket ng Municipal Auxiliary Police (MAP) o kaya mauwi sa
pag-kumpiska ng kanilang baboy.
No comments:
Post a Comment