Wednesday, July 08, 2015

Police Regional Office-6 nagsagawa ng re-orientation ng Municipal Advisory Council sa Aklan

Posted July 8, 2015
Ni Alan Palma Sr., YES FM Boracay
  
Muling nagsagawa ng orientation ang Police Regional Office-6 sa mga miyembro ng Municipal Advisory Council sa probinsya ng Aklan nitong nakaraang July 6,2015.

Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng mga napiling Chairman at Members ng MAC mula sa iba’t-ibang bayan sa Aklan para muling ipresenta ang layunin ng pagtatag ng Advisory Councils na bahagi ng programa ng pambansang kapulisan na PNP P.A.T.R.O.L Plan 2030.

Ito ay isinagawa sa Aklan Police Provincial Office o APPO na dinaluhan din mismo ni Aklan Provincial Director Senior Superintendent Iver Apellido .

Sa ginawang lecture ni PRO-6 PNCO PO3 Francisco B. Lindero Jr., ipinunto niya na malaki ang katungkulan ng mga napiling council para sa ikakabuti ng serbisyo ng mga kapulisan kung saan napasama ang PNP sa pinaka-corrupt na ahensya ng gobyerno noong taong 2003.

Ang Advisory Council ay katuwang ng Technical Working Group ng PNP para magbigay ng payo at suporta para sa mga programa at estratehiya para sa ikagaganda ng imahe ng mga kapulisan.

Ilan sa mga chairman at miyembro nitong advisory councils ay kinabibilangan ng mga personalidad mula sa sector ng academe, media, business group, simabahan, NGO at Local Government Units.

No comments:

Post a Comment