Wednesday, July 08, 2015

Mag-asawang turista sa Boracay, nabiktima ng magnanakaw

Posted July 8, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for Boracay PNPHindi akalain ng mag-asawang nagbabakasyon sa isla ng Boracay na mabibiktima ang mga ito ng magnanakaw sa loob mismo ng kanilang inuupang kwarto sa isang Inn sa Boracay.

Sa blotter report ng Boracay PNP, nakilala ang mag-asawang biktimang si Leon Wheland Couch III, 44-anyos at residente ng Florida, USA kasama ang asawa nitong si Russdawn Soliman, 37-anyos.

Sumbong ng biktimang babae na nagising umano siya bandang ala-6 ng umaga kanina ng mapansin nito na bahagyang nakabukas ang main door ng kanilang kwarto kung kayat isinara nita ito saka natulog muli.

Ngunit ilang minuto lang umano ang nakalipas ay kumatok sa kanilang pintuan ang caretaker at ipinakita sa kanya ang kanyang hawak-hawak na pitaka at short saka itinanong kung sakanila umano ito matapos niyang makita sa labas ng kwarto.

Agad namang sinabi ng biktimang lalaki na sa kanya nga ang mga ito kung saan naglalamanan umano ito ng cash na P5,000.

Dahil dito agad naman nilang sinuri ang iba pa nilang gamit sa loob ng kwarto at dito nga nila na diskubrehan na nawawala ang backpack ni Mr. Couch na nakalagay sa sahig at naglalaman ng Loptop, camera, dalawang USB Disk at cellphone.

Samantala, patuloy naman ang ginagawang embistigasyon ng Boracay PNP hinggil sa nangyaring insidente kung saan bigo pa ang mga itong matukoy ang salarin sa pagnanakaw.

No comments:

Post a Comment