Posted July 10, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Lumahok ang Municipal Tourism Office at Municipal Tourism
Frontliners ng bayan ng Malay sa 2nd International Travel Festival 2015 na
ginanap sa Ayala Center, Cebu City.
Ito ay sa pangunguna ni Municipal Chief Tourism
Operations Officer Felix Delos Santos at Marketing & Promotion section
under sa supervision ni Merrelle C. Prado ng Tourism Office.
Nabatid na ang Malay Municipal Tourism Frontliners ay
kinabibilangan ng mga asosasyon at mga kooperatiba na nag-rerender ng kanilang
serbisyo sa bayan ng Malay at isla ng Boracay.
Layunin ng pagsali ng Tourism Office at Tourism
Frontliners sa International Travel Festival 2015 ay para mai-promote ang mga
produkto at serbisyo ng bayan ng Malay at Boracay.
Samantala, ang naturang Festival ay nagsimula kaninang
umaga na magtatapos naman ngayong darating na Linggo Hulyo 12 kung saan
nilahukan din ito ng mga Tourism Offices mula sa ibat-ibang probinsya sa bansa.
No comments:
Post a Comment