Posted July 14, 2014
Ni Gloria Villas, YESFM Boracay
Magsisimula na ang pagpaparehistro ng mga Persons
With Disabilities (PWD’s) sa Hulyo 20 para sa 2016 Presidential Elections.
Ito ang sinabi ni Malay COMELEC Officer II, Elma
Cahilig, kaugnay sa pagdeklara ng nasabing araw bilang “National Registration
Day for Voters with Disabilities.”
Anya, ito’y isa sa mga layunin ng Commission on
Elections (COMELEC) bilang pagtupad sa itinatakda ng Comelec Resolution No.
9853 na dapat gawing accessible ang pagboto para sa mga may kapansanan.
Sa panahon ng pagboto ay magkakaroon umano ng special
polling precinct para sa mga PWDs, kung saan limitado lamang ang bilang ng mga
botante at mas maiksi ang panahon ng pagboto.
Samantala, bukas naman ang opisina ng COMELEC Malay
sa mga nais magparehistro tuwing office hours mula alas otso ng umaga hanggang
alas singko ng hapon.
Kailangan lamang magdala ng valid ID, partikular ng
government ID at Live Birth para sa pagpaparehistro.
Siniguro din ng COMELEC na tinutugunan nila ang
paraan para sa usapin ng pagboto ng mga PWDs.
No comments:
Post a Comment