YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, July 16, 2014

Mga nastranded na RoRo passengers, binigyan ng noodles at kape ng Jetty Port

Posted July 16, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Namigay umano ng noodles at kape ang Caticlan Jetty Port sa mga nastranded na RoRo passengers dahil sa bagyong Glenda.

Ayon kay Jetty Port Administrator Niven Maquirang, mahigit 100 mga pasahero parin na papuntang Maynila ang kasalukuyang nasa RoRo Terminal.

Kasalukuyan ding nagmomonitor ang Caticlan Jetty Port at ang Philippine Coastguard sa lagay ng panahon ngayon kasabay ng pananalasa ng bagyo.   

Samantala, sinabi naman ni Senior Chief Officer Ronnie Hiponia ng Cost guard Caticlan na umabot sa 346 ang mga nastranded na RoRo passengers simula nang kanselahin ang biyahe dahil sa nasabing bagyo.

No comments:

Post a Comment