YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, July 18, 2014

Mga Tourist Bus at Public Transportation Units sa Aklan, ire-require na magkaroon ng Audio/Video equipment upang i-promote ang probinsya

Posted July 18, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay                           

Isinusulong ngayon sa Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan ang isang ordinansa para sa mga tourist bus at iba pang public transportation units.

Ito’y kaugnay sa pagre-require sa kanila na magkaroon ng audio at video device na nagpapakita ng kagandahan ng probinsya ng Aklan.

Sa resolusyon na ini-akda ni SP Member Emmanuel Soviet Dela Cruz.

Nakasaad rito na ang nasabing ordinansa ay may malaking maitutulong lalo na sa turismo ng Aklan.

Kapag umuunlad umano kasi ang turismo ay mas mapapalago rin ang ekonomiya sa probinsya.

Samantala, nakatakda namang imbitahan ang iba’t-ibang mga tourist bus at public transportation units na nag-o-operate sa probinsya upang pag-usapan ang nasabing ordinasa.

Sa ngayon ay ine-refer o isinangguni muna ito sa komitiba ng Tourism, Trade and Industry and Commerce at Communications and Committee on Laws, Rules and Ordinances upang mapag-aralan.

No comments:

Post a Comment