Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Sinagot na ng Aklan Police Provincial Office (APPO) ang
umano’y nangyaring police brutality sa isang lalaking nahulihan ng ilegal na
droga sa bayan ng Kalibo.
Ayon naman kay APPO information officer P03 Nida Gregas
wala umanong katotohanan ang kumakalat na balita tungkol sa umano’y police
brutality.
Aniya, nanlaban ang sinasabing suspek sa kapulisan habang
ito’y nakapusas at tumakbo dahilan para ito ay matumba na naging rason umano ng
kaniyang mga tinamong pasa sa katawan.
Masama naman ang loob ng pamilya ni Regie kung saan
naniniwala sila na nakakaranas ng police brutality ang kanilang kaanak.
Samantala, base pa sa i-pinost na pahayag sa Face book ng
kaanak ng umano’y biktima ng police brutality na kung sakaling may kasalanan
ito sa batas ay dapat hindi umano ito ang pag-trato sa kaniya.
Sa ngayon patuloy naman ang ginagawang pag-iimbestiga ng
APPO kung saan ang pamilya naman ay naghahanap ng testigo na nakasaksi sa
nasabing insidente.
No comments:
Post a Comment