Posted
July 18, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Nirerepaso na ang paglalagay ng caption para sa mga wave at wind
breakers sa Boracay.
Ito ang sinabi ni Boracay Redevelopment Task Force (BRTF) Secretary
Mabel Bacani hinggil sa naunang mga ulat na pinapalagyan ng National Technical
Working Group (NTWG) ng nasabing caption ang mga nasabing wave at wind breakers.
Anya, nasa proseso at nirerepaso na ang mga ilalagay na caption, kung
saan malamàng na sa susunod na linggo na ito ilalagay.
Nilinaw din nito na magkaiba ang caption na ilalagay sa wave at wind
breakers dahil sa magkaiba rin ang gamit at kahalagahan ng mga ito.
Samantala, nabatid na ilalagay ang mga nasabing
captions sa mga breakers upang magsilbing paunawa at maiparating sa mga turista
na isang environment conscious destination ang isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment