YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, July 14, 2014

Taiwanese Tour Guide sa Boracay, ninakawan ng IPod at IPhone

Posted July 14, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Walang pinipiling oras ang mabibiktima ang kawatan.

Mapa gabi, tanghaling tapat, o madaling araw, at mapa turista, empleyado o residente ng Boracay.

Katunayan, naging laman na naman ng blotter book ng Boracay PNP ang isang reklamo kaugnay sa nasabing insidente.

Isang Taiwanese tour guide kasi ang nawalan ng IPod at IPhone matapos umanong looban ang inuupahan nitong bahay sa Sitio Bolabog, Balabag.

Base sa police report ng Boracay PNP, nagising na lamang kaninang umaga ang tour guide na si Ni-Li Huang na wala na sa kanyang pinaglagyan ang mga nasabing gadgets.

Natuklasan pa sa imbistigasyon na nakabukas na ang bintana ng kanyang kuwarto dahil sira na pala ang lock nito, at tinanggal din ang ilang steel grill doon.

Maaari din umanong sa likurang bahagi ng bahay dumaan ang kawatan.

No comments:

Post a Comment