Posted
July 19, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Tatalakayin sa nakatakdang committee hearing sa darating na Lunes ang
nangyaring pagbaha sa Brgy. Yapak nitong nakaraang linggo.
Sa SB Session ng Malay nitong Martes sinabi ni SB Member Jupiter
Gallenero sa kaniyang privilege speech na tila nakakabahala ang nasabing problema.
Sinasabi kasi na ito ang kauna-unahang pagbaha sa nasabing lugar na
nagdulot ng perwisyo sa paaralang ng nasabing barangay.
Ayon kay Gallenero, posible umanong nagmula ang tubig baha sa
ginagawang construction site ng isang resort malapit sa naturang lugar.
Sinabi pa nito sa tuwing umuulan ay dumidiritso pababa ang mad flow
dahil sa ginagawang land scape o pagpantay ng lupa sa taas ng bundok at ang
pagtanggal ng mga punong kahoy doon.
Samantala, nagkaroon na rin ng pagpupulong ang Local Officials ng Brgy.
Yapak kasama si SB Member Gallenero at ang mga malalaking resort sa Yapak na
posibleng naging dahilan ng mga pagbaha.
Nabatid na ang nasabing comitte hearing ay para magawan ng solusyon ang
nasabing problema upang hindi na ito maulit pa at mapanagot kung sino man ang
nagkasala.
No comments:
Post a Comment