Posted July 14, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Isinantabi muna ang isyu ng hindi pagkakaintindihan
sa pagitan nina SP Member Rodson Mayor at Aklan Vice Governor Billie Calizo –
Quimpo.
Ito’y upang bigyang daan ang mga iba’t-ibang
proyekto at programa para sa probinsya, kung saan isa na rito ang tungkol sa
pagsasaayos ng mga pampublikong kalsada at construction ng Boracay Hospital.
Matatandaan na inakusahan ni SP Mayor ang Bise
Gobernador na nagkaroon ng “betrayal of public trust” at nilabag ang 30 days
period na hindi dapat ma-interrupt ng anumang aksyon ang mga referrals ng
committee meetings/hearings, public hearings, period of debates, amendments at
iba pang mga dokumento na sakop ng batas ng DILG.
Dahil dito, nais ni Mayor na paalisin sa pwesto si
Quimpo bilang bise gobernador.
Subalit, pinabulaanan naman ng bise gobernador ang
mga akusasyon ni Mayor, at sinagot ito ng mga dokumentong hawak bilang patunay
na wala umano itong nilalabag na batas.
No comments:
Post a Comment