YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, July 16, 2014

Lalaking naghatid ng kanyang syota, sinuntok

Posted July 16, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Suntok ang inabot ng isang lalaki matapos nitong ihatid sa boarding house ang kanyang syota.

Ayon sa police report, ka-board mate mismo ng syota ng biktima ang sumuntok sa kanya.

Maliban sa suntok, binuhusan din umano ito ng tubig ng suspek matapos  kumprontahin tungkol sa paghatid nito sa nasabing babae sa boarding house.

Nabatid na nagalit ang suspek sa biktima dahil hinatid pa nito ang huli kahit na may asawa’t anak na ito.

Samantala, ipinagkatiwala naman ng Boracay PNP
ang nasabing kaso sa Manoc-manoc Barangay justice system.

No comments:

Post a Comment