Posted July 17, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Hindi pa ngayon matiyak kung may epekto sa dagat ang
inilabas na tubig-baha ng ilang establisemyento sa isla nitong nakaraang
linggo.
Ayon kasi kay Community Environment and Natural Resources
Office (CENRO) Boracay Officer- In - Charge Jonne Adaniel.
Inaantay pa umano sa ngayon ng DENR ang resulta sa
isinagawang inspeksyon hinggil sa mga binahang lugar sa Boracay at sa nasabing
hakbang ng mga naapektuhang establisemyento.
Kaugnay nito, magugunita namang sinabi ni Adaniel na
magkikipagpulong ang DENR sa LGU Malay at TIEZA hinggil sa mga problema ng
pagbaha sa Boracay.
Magugunita ring maraming establisemyento sa isla ang
naapektuhan ng pagbaha nitong mga nakaraaang araw nang manalasa ang bagyong
Florita.
No comments:
Post a Comment