Posted July 14, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Dumulog sa himpilan ng Boracay PNP Station ang isang
bakasyunista sa Boracay matapos na umano’y mabiktima ng panloloko.
Sumbong ni Gerrylyn Frost, 27 anyos ng Makati City
at pansamantalang nanunuluyan sa isang resort sa Balabag Boracay.
Nag-order ito ng isang WiFi Max Router sa
pamamagitan ng facebook account ni Bergelio Trinidad na nagkakahalaga ng
tatlong libong piso.
Para maipakita ang katapatan ay binigay pa umano ng
suspek ang kanyang personal na cellphone number at dahil sa agad na pagtitiwala,
ipinadala naman ng biktima ang nasabing pera sa pamamagitan ng Smart Money.
Subalit, nagulat ito nang hindi natupad ng suspek
ang kanyang pangako na ipapadala ang nasabing router sa pamamagitan ng isang
padala center.
Nang muling subukan kontakin ng biktima ang numero
at facebook account nito ay hindi na umano aktibo.
Samantala, muli namang nagpaalala ang mga kapulisan
na huwag agad-agad magtitiwala at kilalanin munang mabuti ang mga
makakatransaksyon lalo na yaong nagbibinta sa pamamagitan ng internet.
No comments:
Post a Comment