YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, July 16, 2014

Bayan ng Malay, sumailalim sa Search and Rescue Traning kahapon

Posted July 16, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Sumailalim sa Search and Rescue Training kahapon ang bayan ng Malay.

Ito’y bilang paghahanda at bahagi ng selebrasyon ng National Disater Consciousness Month ngayong buwan ng Hulyo.

Pinangunahan naman ito ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council katuwang ang LGU Malay at ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).

Layunin nito na maipaabot sa mga partisipante ang tamang pagtulong sa mga nangangailangan sa oras ng kalamidad.

Buong suporta naman ang ginawang pakikilahok ng Philippine National Police (PNP), Philippine Coastguard (PCG), Bureau of Fire (BFP) at ilang concern agencies sa bayan ng Malay at isla ng Boracay.

Samantala, naging tema naman ngayong taon ang “Kahandaan at Kaligtasan ng Pamayanan, Pundasyon ng Kaunlaran”. 

No comments:

Post a Comment